03 March 2013

My Happy 32nd Birthday

I live a simple life, I was born with it. I am a daughter of a housewife and a carpenter (actually - my father has no permanent job - but he is good at carpentry). And I am not really used to having handa during my birthdays.

But this year is totally different, March 03, 2013.

First to give me happiness is my husband. he's in Dubai and Philippine's time is 4 hours ahead so may chance yang maghintay ng 12mn PH time to greet me. Natutulog na ako of course, I came from a anight shift schedule so need to recover yung na deprive na good sleep sa akin haha. Nabasa ko ang message ni daddy j, when I woke up at 1 am I think, to feed JD and to change diaper. As always he has a very nice and touching message. Nag bbm lang muna sya, he knows na I am already sleeping but can still read it when I open my eyes. 

Morning, mag 6 na yun.. Humay, nagising ako! May sumisigaw, ang lakas! Happy birthday! happy birthday! Gusto ko pang matulog, tulog pa din si JD, ang sarap pa talaga matulog, pero ang ingay. bad ko no, instead magpasalamat ako sa maagang pagbati. hay... Turned out medyo masama ang gising ko. So since Sunday yun and we have to go to church, bumangon na din kami ni JD, nagising na din sya eh. Kiss kiss kiss ko sya and greet good morning baby! Si inay as usual, nagwawalis na. And she also greeted me happy birthday! Ay hindi pala - sabi nya kay JD "Happy birthday Mama" ganun and which I believe is her way of greeting me. Aba, palibhasa kasi hindi kami sinanay ata na batiin ng personal kaya parang hindi ko nadinig na binati ako ng tatay ko, ni leo at ni roxan. may mahiyaing factor - pero kapag hindi ko sila kasama pinapaabot nila ang pagbati nila through text. Si kapatid kong aris naman - nagBBM din sa akin, aside from the facebook message.

Ayan, may kinwento pa sa akin si inay na medyo sumama timpla ko, nahalata naman nya. And malapit ng mag 8 - papaliguan ko pa lang si JD. So mega bath ko sya, natapos ko naman kaso syempre dami pang anek anek, and male late na naman kami, ako hindi pa handa, same with Inay. So kinuha nya si JD sa akin at maligo na daw ako. Gusto ko ako ang mag aayos kay JD, kaya di muna ako naliligo. Nung time na maliligo na ako, sya namang dating ni Tatay galing sa katayan ng baboy - bibili kasi sya dapat, taeng tae na daw sya. Hayun! Lalo na nalate. So what I did, pinuntahan ko muna si Inay and JD na nasa duyan, inaayos ko ang belt, and hair sana. Sabi ni inay, "ako na, tanghali na lagi na lang tanghali", sabi ko naman, "Hindi lang naman ako lagi ang mahinang kumilos" sabay talikod, sabi ni inay "e sino ako?" sabay sabi, "birthday ni mama asar Happy birthday to you, happy birthday to you:.... Napaluha ako sa inis.....

Kinuha ko towel sabay hinga ng malalim and deretso ako sa banyo, naligo. Then bigla umambon, sabi tuloy ni inay "bakit umambon, e hindi naman umuulan nung ipinanganak kita?". Naisip ko, nakikisimpatya sa akin ang ulan, sinabayan nya ako sa pagrelease ng inis. Paglabas ko ng banyo, okay na ako. Sumama na sa pagbuhos ang luha at inis. At hindi na tuloy naligo ang inay hehehe, nagpunas na lang sya. Si JD, kalong na ni Leo, nakita ko yung belt nya, wala na sa suksukan, grrrrr.... hirap na hirap isuot nun tapos tatanggalin, baliktad daw kasi lagay ko sabi ng kapatid ko kaya inalis nya. Kaya change outfit tuloy si JD.

At the church.....
2nd Reading na ng makarating kami. Medyo hindi ganun ka-late.
I was expecting that JD will fall asleep habang nakasakay kami sa tricicle going to church, but this did not happen. Gising sya until we reached the church. Kaya naghanda na ako ng milk nya just in case humingi sya at antukin. We looked for a vacant seat. I saw some at the right side medyo dulo, (nung dalaga pa ako, I preferred to sit in the very first row, gusto ko kasi kita ko si Father, ngayon parang di ko na magawa, I am always late :( ). Yung unang vacant nagtanong ako if may nakaupo, meron daw, and may luwag sa next, doon ako, inallow naman ako nung girl na may baby. Ang liit ng space namin ni JD, eh dumedede sya, tiis tiis ako. Dede pa sya eh nag eenjoy. Walang fan, buti medyo malamig. maya maya duamting ang batang girl, mga 2 1/2 years old malamang, nakatayo tuloy sya, anak pala nung girl who allowed us to sit. And nakita nya dumedede si JD, naiingit sya, she also asked "ded" with iyak tearless. ganun ng ganun. I told myself, aalis kami dito, kawawa yung bata, hindi makaupo. And nung after ng Homily and pinatayo kami na ni Father, I took my chance to go outside. May nagpa ubaya naman ng upuan sa amin sa labas. gising pa din ang JD, natutuwa ako, parang hindi sya inaantok. Alam nyang birthday ko.

Pass... pass... time passes by...... Sa dulo ng mass before it ends, ang mga may birthday pinapupunta ni Father sa unahan para basbasan. So mega punta ang lola - and because medyo shy ako, I brought JD with me in front. Read si Father and binasbasan nya kaming birthday celebrants. Siguro he was expecting JD na magulat nung tamaan ng tubig sa mukha. Si Father, sa katuwaan kay JD, nasabi nya sa amin "hindi sya nagulat oh", then basbas the rest. And pagbalik nya sa tapat namin, he reiterates "Hindi sya nagulat sa water sa patak sa kanya no" sabay tingin kay JD. And after the blessing, the Father sings kasabay ng crowd "Happy birthday to you" lively with clap. And nakakatuwa si JD, she is clapping and moving her body (parang sumasayaw) with smiles, habang lumalakad kami pabalik sa likod kung saan kami nakaupo. Nakita ko yung isang nakatingin sa amin, nakatingin sya kay JD, itinuro nya, natutuwa sya sa gestures ni baby/

Oh well baby, you really made mama proud at your young age. Thank you very much for celebrating this birthday with me. Hindi ka talaga natulog which you normally do. I am very very proud of you! Kahit si daddy J, he is as proud as me.

Nakatulog lang si JD nung nakasakay na kami ulit sa tricycle pauwi sa bahay. hay baby, I so love you much much! Thank you that when I turn 32, daddy j and I have you to make our lives happier!

A simple handa follows. Isinabay ko ang 11th month celebration ni JD sa birthday ko.

As I have posted in my fb acccount...

I am blessed with beautiful people around. That makes my life even wonderful and enjoyable. There might be some that are "not so" but good people prevail. I feel I am truly blessed having wonderful people around, husband, daughter and my whole family. God gives me a simple life of existence, simple yet happy.

I cannot thank enough those who remember my special day. nakakalungkot lang na darating talaga yung point na mga close friends mo, nakakalimot sa araw na iyon. Ayaw na ayaw ko yun gawin sa mga kaibigan ko, I make sure na I greet them and leave them a message on their birthdays. Hayy, getting old, sign of getting old, forgetting things, and kailangan intindihin. :) Senti!

Oh Lord, thank you very much for the happy 32nd birthday! I am truly blessed! Thank you for this wonderful life! (Isa lang po ang pinakahihiling ko - I pray that daddy J gets his check na...please po Lord)....








No comments:

Post a Comment

Drop your comments here