26 May 2015

Reminiscing JD Before Three

Ang dami kong namiss ipost, ang daming memories with JD na nakaka amaze, ang daming dapat ilathala para naman mabasa ni JD paglaki nya. She's witty and smart. At 2, straight na sya magsalita, hindi bulol, sa letter S lang sya sira, she pronounced it as T. Pero besides that, waley, amazing (syempre ako ang mama eh dapat ma amaze).

Here's one of her videos....

video


When we were at National Bookstore nga, when she was 2, my high school classmate who also has a 2 year old daughter saw and heard JD (she is working at the bookstore), she told me "Ang galing na magsalita. Ang anak ko utal pa".

She also has learned the alphabet, recognizing letters, shapes and colors. But numbers - not yet hehe. THat is why when she had her entrance exam at University of Assumption, she was able to pass it kasi alam na nya mga tinanong. And the school's kinder custodian assessed that JD is ready for school, we need to teach her the phonics na.

Ang dami pa.... So sobrang dami nyang kakulitan at nakakamanghang development, hindi ko na maalala lahat. Pero kahit anupaman. nasa puso namin ang lahat ng nakaka amuse na ginagawa ng aming anak.

At, maalala ko... andito kasi ko sa bahay, kaharap si JD and she peed. I remember when she was 2 and half, we already taught her to pee every night, gisingin ko sya para umihi at para hindi sya umihi sa bed. Also, we started to teach her not to wear diaper na, kapag nasa byahe na lang. Ang laking tipid hehe....

Dapat pala, I always update this with JD's moments di ba. Sayang, makikita kasi nya to and mababasa paglaki nya. Para malaman nya how much we love her... and how much her cousins love her, how much inay and tatay love her.

She is such a nice baby. I always say she's mabait, hindi gaya ng ibang bata na may tantrums or nang aaway or naninigaw or iyakin. Sya hindi, and I owe it to my mother. Inay nurtured JD for 3 years, sya mag alaga sa kanya while I am at work, going home in Tiaong every weekends only.... And I thank inay and tatay for bringing up JD a very nice baby. Salamat po ng marami..

Will post pictures kapag may naretrieve ako :)